Halimbawa ng isang Monologo - TASA
"Dinilat ko ang aking naniningkit
na mga mata. Andito pa rin ako sa isang madilim na lugar. Tingin sa kaliwa,
tingin sa kanan, apat na haliging ang kulay ay pinaglipasan na ng panahon.
Ako’y nasa dulo ng isang nakakatakot na bangin. Wala akong lakas upang umalis.
Wala sa aking isipan ang mang-iwan. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng loob
kong pagsilbihan siya. Tama ba ito? Lalo na ngayon, umalis siyang mainit ang
ulo. Natatakot ako, natatakot ako na baka umuwi siyang galit pa rin. Tiktak!
tiktak!, tunog ng isang pagod na orasan na bumalot sa buong silid. Makalipas
ang hindi ko na mabilang na oras, darating pa ba siya? Unti- unti akong
nalugmok nang may narinig akong sigaw. Sumisigaw siya! Kasabay ng kanyang sigaw
ang pagbilis ng pintig ng aking puso. Unti-unting bumubukas ang pinto at isang
malakas na pagsara ang mas lalong nagpakaba saakin. Ayokong lumingon. Ayokong
masilayan ang mukha niyang pulang-pula na, ang mga mata niyang nanlilisik at
tila gusto ng pumatay na tao. Kasabay ng madiin niyang pagkuyom ng kanyang
kamao ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Ayoko! Ayoko ko siyang makita! Natatakot ako
sa possible niyang gawin. Nanginginig ang aking buong katawan. Wala akong
laban. Walang akong karapatang lumaban. Sa isang pikit mata, tila tumigil ang
oras na pagdilat ko, wala na. Wala na akong magagawa. Ang aking katawan ay unti
unti ng nabiyak. Bakit may umaagos na dugo? Kahit hirap ay nilingon ko siya. Isang
hiwa sa paa ang aking nasaksihan. Gumuho ang aking pagkatao. Sana ay napawi ang bigat ng iyong
nararamdaman. Sa pagpikit ng aking mata ang siyang pagbigkas ko ng huling linya.
Patawad aking butihing kaibigan."
Comments
Post a Comment