Posts

Showing posts from August, 2017

TALUMPATI - (Filipino: Wikang Mapagbago)

Nakatagpo ka pa ba ng taong matatas manalita sa wikang taktak atin? Nagsasalita ka pa ba ng purong Filipino bilang medyum ng pakikipagtalastasan? Nagagawa mo pa bang kumustahin ang wikang Filipino? Huwag magtataka na baka isang araw, mamumulat ka na lamang sa katotohanang ang ating wika ay nabaon na sa limot ng nakararaming mga Pilipino. Masalimuot ang naging buhay ng ating wika. Maraming salita ang namatay kasabay ng paglipas ng panahon. Nakakalungkot man sa parte ng mga paparating na siglo ngunit huwag pangangamba sapagkat hindi maaalis ang katotohanang upang umunlad at marating ang tagumpay kung minsan mayroong kailangang bitawan at isakripsiyo habang naglalakbay na maabot ang tagumpay na ito. Upang hindi mapag-iwanan ng panahon, gaya ng taong patuloy na nakikipagsapalaran sa mabilis na pagbago ng lipunan, ang wika ay kinakailangan din makipagsabayan sa pagbabagong ito. Kung kaya’t hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan kapag ito na ang ating pinag-uusapan ngunit hindi nat...

Halimbawa ng isang Monologo - TASA

"Dinilat ko ang aking naniningkit na mga mata. Andito pa rin ako sa isang madilim na lugar. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, apat na haliging ang kulay ay pinaglipasan na ng panahon. Ako’y nasa dulo ng isang nakakatakot na bangin. Wala akong lakas upang umalis. Wala sa aking isipan ang mang-iwan. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng loob kong pagsilbihan siya. Tama ba ito? Lalo na ngayon, umalis siyang mainit ang ulo. Natatakot ako, natatakot ako na baka umuwi siyang galit pa rin. Tiktak! tiktak!, tunog ng isang pagod na orasan na bumalot sa buong silid. Makalipas ang hindi ko na mabilang na oras, darating pa ba siya? Unti- unti akong nalugmok nang may narinig akong sigaw. Sumisigaw siya! Kasabay ng kanyang sigaw ang pagbilis ng pintig ng aking puso.  Unti-unting bumubukas ang pinto at isang malakas na pagsara ang mas lalong nagpakaba saakin. Ayokong lumingon. Ayokong masilayan ang mukha niyang pulang-pula na, ang mga mata niyang nanlilisik at tila gusto ng pumatay na tao. Kasaba...